Para isahang iri na lang ang baby nila ni Ice… LIZA, KAMBAL NA ANG IPAGBUBUNTIS


Nag-anunsiyo na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño ng malalaking aktibidades ng kanyang ahensiya para sa 2019 last Thursday.
Una nilang event for this year ang pagbibigay ng Camera Obscura Artistic Excellence Award. Ibinibigay ang award na ‘to tuwing Film Ambassador’s Night taun-taon at magaganap ang awards night sa SM Aura Premier Samsung Hall, Taguig City on February 10, Sunday.
Pangalawa, ang pagbubukas nila ng Southern Voices Film Lab. Isa itong masusing pagsusuri ng script and development lab for Mindanao filmmakers.
Then, sa Disyembre naman magaganap ang Mindanao Filmfest na gagawin sa Davao City. Dito bibigyan ng award ang napiling script(s).
Last but not the least, ang announcement ng ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa buwan ng Setyembre. This year, PPP ang magpapasinaya ng Sandaan, ang official celebration of the One Hundred Years of Philippine Cinema.
Bago magsimula ang presscon, sinalubong agad kami ng pagbati ni Chair Liza sabay biro na baka tungkol sa ‘itlog’ ng partner niyang si Ice Seguerra na naman ang itanong namin sa kanya. Natawa na lang kami sa kanya.
Naupo si Chair Liza sa table namin kung saan nakaupo rin ang ‘dean ng entertainment writers’ na si Manay Ethel Ramos at sina Kuya Mario Bautista and Rohn Romulo.
Hindi pa nagtatagal ang tsikahan ay tinanong na siya ni Kuya Mario kung sa dami ng aktibidades ng FDCP this year, paano ‘pag dinala na niya sa kanyang sinapupunan ang baby nila ni Ice?
Sabi niya, naka-schedule ang pagbubuntis niya sa December. Napagkasunduan na raw nila ‘to ni Ice, pero tutol ang anak niyang si Amara na sa December pa siya magbuntis.
Si Amara raw talaga ang super excited na magkaroon na ng kapatid kaya gusto niya na magbuntis na ang kanyang Mama Liza.
Dahil sa December pa niya dadalhin sa kanyang sinapupunan ang baby ni Ice at ng sperm donor, ipe-preserve lang daw muna ‘yung dalawang itlog.
Ayon kay Liza, baka manibago siya kapag nagbuntis ulit. Edad 26 siya nu’ng ipagbuntis at ipanganak si Amara. And now, 37 na siya. Pero tingin naman niya, keri pa rin niyang manganak kahit normal delivery pa.
Pero kung 37 na siya ngayon, say namin sa kanya, dapat ‘wag na niya i-delay pa ang pagbubuntis para sa dalawa pang itlog ni Ice na naka-preserve.
“Ay, dalawa na lang. Tapos, pagsasabayin na ‘yung dalawa ‘pag nagbuntis ako,” pagri-reveal ni Liza.
Meaning, sabay nang dadalhin sa sinapupunan ni Liza ang dalawang sets of eggs na mula kay Ice at sa kanyang sperm donor. Kaya malamang, kambal daw ang kalalabasan nito.
Hindi pa raw sila makapagdesisyon ni Ice kung pupunta siya ng Malaysia para ru’n i-implant ‘yung dalawang sets of eggs or dadalhin na lang dito sa ‘Pinas.
“Opo, puwede po. ‘Yung fertilization ‘yung pinaka-complicated. Kakapili pa lang namin ng donor. May profile sila, doon kami namili. Parang dating website,” lahad ni Liza.
Kamukha raw ni Liam Hemsworth (mister ng American singer na si Miley Cyrus) at blue eyes daw ang pinili nila na sperm donor.
“Saka six footer! Hahaha! So, ‘yun. Kasi si Ice ‘di ba, hindi naman katangkaran? Hahaha! Gusto namin matangkad,” sabi pa ni Liza.





Comments