Pagbaba ng inflation rate, wa’ epek — BMP | TRAIN LAW, IBASURA


MALAYO sa pagiging kuntento ang mga manggagawa sa ilalim ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa napabalitang pagbaba ng inflation rate sa 4.4% ngayong Enero mula sa 5.1% noong buwan ng Disyembre.
Ayon sa lider ng grupo na si Leody de Guzman, nanatiling binabagabag ang mga pamilya ng milyong empleyado dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin, lalo na ng pagkain habang kapos pa ang sahod na kanilang tinatanggap para mabuhay nang disente.
Batid ng lider-manggagawa na alam naman ng gobyerno ang sanhi at solusyon ng pagtaas ng presyo ng bilihin pero, hindi nila ito inaaktuhan.
Aniya, tinuklaw na si P-Duterte at mga economic manager nito sa mukha ng solusyon dahil nasa harapan na nila ito.
Tinukoy ni De Guzman ang TRAIN Law na pangunahing sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin mula nang ito ay ipinatupad noong isang taon.
Panukala ni De Guzman, ang mayayaman at mga korporasyon, lokal at dayuhan ang dapat sinisingil ng mataas na buwis at hindi ang ordinaryong mamamayan. (BRT)





Comments