top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mag-asawa timbog sa shabu

Maeng Santos
Feb 9, 2019
1 min read

TATLONG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang mag-asawa ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police Station Drug Enforcement Unit Head P/Insp. Rolando Domingo ang mga naaresto na sina Johnny Selisana alyas Etok, 43, ng Bgy. 73, Caloocan City; Edsel Fjardo, 42, at kanyang asawa na si Ma. Ruth, 42, kapwa ng Bgy. Niugan, Malabon City.

Ayon kay PO2 Jerry Basungit, alas-3:50 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Insp. Domingo ang buy-bust operation kontra sa umano’y drug pusher na si Selisana sa kahabaan ng Inocencia St., Bgy. Tugatog.

Matapos iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa undercover police kapalit ng P300 marked money, agad itong nagbigay ng signal sa kanyang mga kasama kaya lumusob na ang back-up na mga operatiba at inaresto si Selisana.

Timbog din sa operasyon ang mag-asawa na sinasabing umiiskor ng droga kay Selisana habang narekober sa mga suspek ang pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page