Generation Z ang dapat makialam sa 2019 elections, period!

MAGSISIMULA na ang formal at official campaign period sa mga senatorial election at partylist system.
Hindi sana dumanak ang dugo, bagkus ay salapi ang dumanak!
◘◘◘
KAPOS na ang panahon at resources para maikampanya ang botante sa higit na 7,000 isla sa Pilipinas.
Meaning, tanging “media” na lang ang pag-asa ng mga kandidato!
◘◘◘
MALAWAK na ang kahulugan ng “media” ngayon kumpara sa sa nagdaang 20 taon.
Dati-rati, ang media ay tumutukoy lamang sa radio, TV at newspaper, pero ngayon ay nakapasok na ang cyberspace at telecoms!
◘◘◘
KAHIT cyberspace ay sumalimuot dahil papasok na rito ang computer, cellphone at iba pang gadgets.
Hindi pa rito kasama ang hindi maunawaang applications, software at kung anu-anong hi-tech na sistema!
◘◘◘
NAPAG-IWANAN na ng panahon ang mga matatanda dahil hindi nila nauunawaan ang “daigdig” na ginagalawan ng millennials na siyang hahatol sa mga kandidato.
Nakahihiya man sabihin, naiwan at nalipasan na rin ng panahon ang mismong mga “kandidato” na nangangahas na gumawa ng batas!
◘◘◘
KUNG kapos ang pang-unawa ng mismong kandidato sa pagka-senador na esensiya ng moderninasyon, paano sila makagagawa ng “maayos at tumpak” na batas?
Maging ang huwes, abogado at ehekutibo ng gobyerno ay kapos ng kaalaman sa "Generation Z”, kaya nagkakaletse-letse ang pamahalaan at lipunan.
Nagdudunung-dunungan lamang ang mga “opisyal” ng gobyerno sa sitwasyong sila ay mangmang at walang alam!
◘◘◘
MALINAW ngayon na dapat millennials at “Generation Z” ang hahawak ng gobyerno upang makasabay tayo sa pagbabago sa daigdig.
Maging ang daigdig ay pinangangasiwaan ng mga “lipas at laos nang lider”.
Ang kaguluhan ng daigdig ay dahil sa kahinaan at kamangmangan ng “decision makers”!
◘◘◘
KAILANGANG baguhin ang mga batas at bigyan ng maluwag na oportunidad ang millennials na maging bahagi sa pagdedesisyon.
Ngayon, ang mga lider ng “Generation Z” ay dapat nang makialam at mangahas dahil sila ang mapeperhuwisyo sa mga palpak na batas na gagawin ng mga bopol na kandidato ngayon 2019 elections!





Comments