top of page
Pokwang.jpg

DOH nag-focus sa Dengvaxia | BAKUNA VS. TIGDAS, 2015 PA NAPABAYAAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2019
1 min read

HINDI na umano nakagugulat na maghahanap ng masisisi sina Health Secretary Francisco Duque III at dating Health Secretary Janette Garin sa isyu ng tigdas.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta, alam na niyang sasabog ang isyu sa tigdas anumang oras.

Nakasaad umano sa Commission on Audit report na pumalo sa 2.4 million na bata ang hindi nabakunahan ng diphtheria, polio at measles vaccine mula pa noong 2015.

Hindi rin aniya nagsagawa ng massive campaign ang DOH laban dito dahil mas pinagtuunan ng pansin ang pagturok ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Kaugnay nito, tiniyak ni Acosta na paiimbestigahan ang nangyari maging ang pinatunguhan ng pondong inilaan sa nasabing bakuna.

Samantala, nilinaw naman ng PAO chief na hindi ito kumokontra sa iba pang bakuna maliban na lang sa dengue vaccine kaya hinikayat nito ang mga magulang na pabakunahan na ang mga anak upang malabanan ang lumolobong bilang ng nagkakatigdas. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page