Back-to-back ngayong Pebrero | TAAS-SINGIL SA KURYENTE, DAGDAG-PRESYO SA GAS
- Gina Pleñago
- Feb 9, 2019
- 1 min read

ASAHAN na ang pagtaas sa singil sa kuryente at dagdag-presyo sa petrolyo.
Kinumpirma ng Meralco na magkakaroon sila ng pagtaas sa singil sa kuryente para sa bill ngayong Pebrero.
Tinatayang nasa P0.57/kWh ang magiging patong sa presyo ng Meralco. Ang mga kumokonsumo ng 200 kWh ay may dagdag na P114 na singil.
Mayroon ding namumurong taas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa unang apat na araw na trading sa world market, posibleng may oil price hike na papalo sa P0.60 hanggang P0.65 sa kada litro ng diesel at higit P1 sa gasolina.
Wala pa sa kompyutasyon ang fuel excise tax na ipinatutupad na ng ilang gasolinahan.





Comments