Awww! Nilangaw! MOVIE NINA ENCHONG AT JANINE, TINANGGAL AGAD SA SINEHAN
- BULGAR

- Feb 9, 2019
- 1 min read

Nakakalungkot naman ang nakarating na balita sa amin na pinull-out na raw sa ilang sinehan ang pelikulang Elise na pinagbibidahan nila Enchong Dee at Janine Gutierrez.
Excited pa naman ang Kapamilya actor sa pelikulang ito nang makausap namin siya nu’ng nakaraang Linggo sa ASAP Natin ’To. Panay-papuri si Enchong sa kapareha kung saan ayon nga rito ay natutuwa siya sa relasyon ni Janine at ng kaibigang si Rayver Cruz dahil low profile at ‘di takaw-balita ang espesyal na relasyon ng dalawa.
Naikuwento rin sa amin ni Enchong kung gaano siya nag-enjoy sa guesting ng Elise cast sa Eat… Bulaga! para sa Boom segment ng noontime show. Masayang pagkukuwento nga sa amin ng Kapamilya actor, napakainit ng pagtanggap sa kanya ng mga tao ru’n mula kina Bossing Vic, Joey de Leon hanggang sa staff. Pero kinlaro rin niya na ‘di siya lilipat ng istasyon gaya ng iniisip ng iba dahi kakapirma lang niya ng two-year contract sa Kapamilya Network.





Comments