2K ENTRIES, HAHATAW NA SA PRIMA BADMINTON C’SHIPS
- BULGAR

- Feb 9, 2019
- 1 min read

MAY 2,000 ang entries mula sa iba’t ibang dako ng bansa kabilang na ang mga top players ang inaasahan na sasabak sa hatawan sa 12th Prima Pasta Badminton Championships na nakatakda sa Peb. 22, 23, 24, 25 at Marso 2 at 3 sa Powersmash badminton courts sa Chino Roces Avenue, Makati City.
Aabangan ang tikas nina Rabie Jayson Oba-ob at Sarah Joy Barredo na pawang mga singles open defending champions sa men’s at women’s singles open kung saan ang event ay magpapaligsahan sa Men’s Doubles at Mixed Doubles mula Open class, Levels A to G, habang ang Open Class at Levels B to F ay paglalabanan sa Women’s Doubles.
Ang open singles ay available sa men’s and women’s category.
Mayroon ding boys’ and girls’ singles events para sa Under 19, 17, 15, 13 at 11 categories, habang ang boys’ at girls’ doubles ay para sa Under 19, 17 at Under 15.
Ang lahat ng events na ito ay idaraos mula Peb. 22 hanggang 25.
Ang non-gender doubles event, ang pinagsamang edad hanggang 100 ay itatampok din sa torneo.
Ang minimum age sa torneo ay 30.
Pagkakalooban ng tropeo, medalya at gift checks ang mga magwawagi at runner-ups sa lahat ng events. (VA / MC)





Comments