top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Worried kung nakahahawa ang stomach flu

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Napansin kong du­marami ang nagkaka­roon ng stomach flu sa aming lugar, hindi lang sa matanda kundi pati na rin sa bata. Dalawa sa mga anak ko ang naka­ranas nito matapos magkasakit ang tita nilang nag-aalaga sa kanila habang nasa trabaho ako. Posible bang nahawahan sila nito? — Joy

Sagot

Ang viral gastroenteritis ay madalas ta­wagin na “stomach flu” subalit, wala talaga itong kaugnayan sa flu o influenza. Ito ay iritasyon ng tiyan at bituka dahil sa impek­siyong sanhi ng mikro­biyo. Karamihan sa mga bata na may viral gastroenteritis ay bumubuti rin pagka­lipas ng ilang araw nang walang paggamot. Ang batang may gastroenteritis ay nanga­nganib ng dehydration kaya dapat silang bantayang maigi.

Narito ang mga sintomas ng viral gastroenteritis:

  • Pagtatae (malam­bot at basang dumi) nang higit sa 6 oras

  • Pagkakaroon ng dugo sa dumi

  • Pagkahilo

  • Pagsusuka

  • Pulikat

  • Matinding pana­nakit ng tiyan

  • Pagsakit ng ulo

  • Pakiramdam na sobrang pagkauhaw

  • Lagnat na aabot sa 100.4°F o higit pa

Paano nakaha­ha­wa ang viral gastroenteritis?

Ang viral gastroenteritis ay nakahahawa. Ang mga mikrobiyo na nagsasanhi ng im­pek­siyon ay madalas na nagpapasalin-salin sa mga tao ng hindi nahu­gasang mga kamay. Makukuha ng mga bata ang mga mikrobiyo mula sa pagkain, kaga­mitan sa pagkain o mga laruan. Ang taong na­impeksi­yon ay maaaring nakahahawa pa rin kahit mabuti na ang kanilang pakiramdam. May mga tao na may impeksiyon subalit, walang sinto­mas.

Narito ang mga paraan para hindi ito lumala:

  • Tiyaking magka­roon ng sapat na pahinga.

  • Ugaliing painumin ang pasyente ng mara­ming tubig upang hindi ito ma-dehydrate.

  • Maaaring painumin ng oral rehydration ang bata tulad ng pedialyte o orasol.

  • Iwasang painumin ng mga inuming may mataas na konsumo ng asukal.

  • Ugaliing kumain sa wastong oras ng mga masusustansiyang pagkain.

Narito ang mga paraan para mai­wasan ito:

  • Ugaliing maghugas ng mga kamay, lalo na pagkatapos gumamit ng banyo, pagsusuot ng diaper sa mga bata at bago maghanda, mag­hain at kumain ng pagkain.

  • Panatilihing mali­nis ang lugar kung saan naghahanda ng pagkain.

  • Ugaliing labhan ang maruruming damit.

  • Gumamit ng mga diaper na waterproof ang panlabas na cover para sa mga sanggol.

  • Iwasang madikit ang bata sa mga taong may sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page