Vice-Gov., buking na hinostage ang mga donasyong bangka nang malamang ang pagbibigyan ay bayan ng ka
Ms. Dee / Pasaway Spotted
Ang hirap talaga kapag utak-talangka at pamomolitika ang ipinairal ng ilang opisyal sa bansa. Ang naiiwang kawawa ay ang taumbayan na umaasa sa ayuda at saklolo ng pamahalaan.
Tulad ng nangyari sa isang probinsiya sa Central Luzon (kapitbahay ng Tarlac, Pampanga at Bataan) kung saan nag-iiyak sa sama ng loob ang ilang mangingisda na umasang magkakaroon ng mga bagong bangka.
Ang apat na bagong bangka ay donasyon ng pamahalaang panlalawigan sa isa sa mga bayan nito, pero pinigil umano ng vice-governor ang pag-release at pag-turnover? Hala ka!
Ano ba naman ‘yan? Ang tagal nang hinintay ng mga mangingisda ‘yan dahil pangingisda ang pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan.
Eh, bakit pinigil? Ang bulong ng “angry bird” sa bintana natin, nalaman daw ng vice-governor na ang pagbibigyan ng mga bangka ay sa bayan ng sikat na alkaldeng kalaban nito sa politika. Grabe, siya!
So, ano ang mangyayari sa mga bangka? Ibibigay sa iba? Hindi ba, pinondohan ‘yan para sa bayan na matagal nang humirit niyan? Isa pa, aprubado na ‘yan ng gobernador, bakit pipigilan ang pamamahagi sa mga mangingisda?
Dapat bang idamay ang mga mangingisda sa umpugan ng mga pulitiko? Puwede pang maintindihan ng mga tsismosa sa kanto na nanggagalaiti ang vice-governor kung sa alkalde ibibigay ang mga bangka.
Parang bata lang na aagawan ng laruan ang peg, may tantrum? Pero, sana, huwag naman ganyan dahil “nganga” ngayon sa kakapusan sa buhay ang mga mangingisda habang ang sarap ng mga kinakain at ang lamig pati sa palikuran ninyo. Isipin mo naman sila!
Please lang, kagalang-galang na bise-gobernador, huwag i-hostage ang pangangailangan ng mga maralita para manggipit ng kalaban sa politika. Ikaw din, matatantusan ka ng taumbayan. Mas maganda siguro na ang maging imahe mo sa darating na eleksiyon ay isa kang tunay na anghel.





Comments