Tulong mula sa ibang bansa ayaw tanggapin | PRES. MADURO: HINDI KAMI PULUBI
- Jersey Sanchez
- Feb 8, 2019
- 1 min read
MALAWAKANG pagharang ang isinasagawa ni Venezuelan President Nicolas Maduro upang hindi makarating ang mga tulong mula sa ibang bansa.
Gumamit ng mga trailer truck bilang pangharang ng gobyerno ni Maduro sa three-lane Tienditas Bridge na konektado sa Cucuta, Colombia.
Ang nabanggit na lugar ay pagdaraanan umano ng mga tulong mula sa U.S. at iba pang bansa na tinukoy ni Venezuelan opposition leader Juan Guaido, gayundin ang border nila ng Brazil, isla sa Caribbean at Cucuta.
Samantala, upang higpitan ang pagbabantay sa posibleng pagpasok ng mga tulong at posibleng pag-atake, naglagay ng mga sundalo si Maduro sa kanilang border.
Una rito, nagmatigas si Maduro na tumanggap ng tulong mula sa ibang bansa dahil hindi umano nila ito kailangan at hindi sila pulubi.
Matatandaang, Enero 23 nang nagkaroon ng pressure si Maduro dahil sa kaguluhan sa bansa.





Comments