Solusyon sa trapik | PROVINCIAL BUS BAWAL SA EDSA

MAGPAPATUPAD ng dry-run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa totally ban ng provincial buses sa EDSA sa Abril.
Ayon kay Traffic Czar Bong Nebrija, ang dry-run muna ang gagawin nila para malaman ang talagang epekto nito kapag nagkaroon ng totally ban sa lahat ng provincial buses sa EDSA.
Napag-alaman na ang provincial buses na bumibiyahe mula sa norte ang magiging huling destinasyon nito ang ginawang integrated terminal sa Valenzuela City at mula rito, lilipat ang mga pasahero sa bus na biyahe naman patungong Metro Manila.
Habang ang manggagaling sa southern part ay titigil sa Santa Rosa, Laguna integrated terminal saka magta-transfer sa city buses.
Nasa 46 provincial buses na nasa EDSA ang totally ipasasara para makabawas ito sa masikip na daloy ng trapiko. Maglalagay ng harang sa buong EDSA maliban sa designated loading-unloading areas.
Ang hakbanging ito ay kaugnay sa programa ng pamahalaan na magkaroon ng totally traffic reduction sa Metro Manila.





Comments