Sayyaf todas sa checkpoint

DEDBOL ang isang Abu Sayyaf makaraang tumakas sa checkpoint sa Bgy. Lapid-Lapid, Bongao, Tawi-Tawi. Nakilala ang suspek na si Shaifful Julaili.
Batay sa report sa Naval Forces-Western Mindanao Command, nakipagbarilan si Julaili sa mga tauhan ng 29th Marine Company ng Marine Battalion Landing Team-9, 51st Special Action Force (SAF) ng PNP at Bongao Municipal Police Station.
Habang papalapit ang suspek sa checkpoint, doon bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad na dahilan naman para ito habulin at mapatay sa running gunbattle.
Lumalabas na sangkot si Julaili sa ilang serye ng pagdukot sa Sulu, partikular sa Tawi-Tawi at Sabah.
Sinabi naman ng militar na mas pinaigting pa ang checkpoint operations para maiwasan ang anumang pag-atake sa Mindanao.





Comments