Nang ma-link kay Sam… PIOLO, MAS SUMIKAT!
- BULGAR

- Feb 8, 2019
- 2 min read

ALL the while, akala namin ay cool na cool si Piolo Pascual. Pero akalain mo ‘yan, napipikon pa rin pala siya hanggang ngayon?
Imagine, lately, he challenged a basher to a man-to-man fist fight. Ito ay dahil tinawag sila ng anak na si Iñigo na “mag-amang bakla” dahil sa nai-post niya sa kanyang Instagram account na picture nilang mag-ama pagkatapos nilang makumpleto ang running event sa Indonesia.
Akala namin, da height na ng pamba-bash kay Piolo ‘yung pagkaka-link nila noon ni Sam Milby. More or less, nalampasan niya naman ito at ni hindi naapektuhan ang kanyang career. In fact, lalo pa nga siyang sumikat at later, naging successful producer pa.
He also became the endorser of a top company, meaning ‘di naapektuhan ang kanyang image kaya kinuha pa siya bilang endorser nito.
Dahil strong pa rin ang kanyang career, at patuloy ang paglago ng kanyang sariling film outfit which is Spring Films, PJ was able to extend help to people in need.
Siguro, ang tagumpay na ito na nakamit niya ay somehow kinaiinggitan ng mga taong gusto siyang itumba.
If he was able to rise above the intrigues he went through, PJ should be thankful to these people kasi ang mga namba-bash na ito ang lalo pang nagpapatapang sa kanya para mas maging matagumpay pa.
There are many people like us who admire the goodness of PJ. Ni wala kang nabalitaang mga taong natapakan niya o ‘di kaya nasaktan niya.
He deserves his success at anumang negative things na ibinabato laban sa kanya should not affect the goodness in his heart. Lalo siyang mag-strive na mas maging successful pa para mas makatulong sa maraming nangangailangan.





Comments