Nang ipakulong daw sila ni Sen. Bong ng mga kalaban… "PARA NA KAMING DEMONYO" — SEN. JINGG


NATAWA kami sa katwiran ni dating Sen. Jinggoy Estrada na mataba na kasi siya ngayon kaya wala sa plano niya this year ang bumalik sa paggawa ng pelikula at kahit magprodyus.
Muli siyang tatakbo sa May, 2019 elections bilang senador at mas gusto raw niyang mag-focus ngayon sa pulitika kesa sa showbiz.
Birthday ni Jinggoy sa Feb. 17 at sa early birthday treat niya sa entertainment press kahapon, kasama niyang humarap ang anak na si Janella Ejercito na tatakbong mayor ng San Juan at ang katiket nilang si Edu Manzano na tatakbo namang congressman sa nasabi ring lungsod.
Nang tanungin namin ang dating senador kung hindi pa ba siya nadadala sa pulitika at bakit tatakbo siyang muli bilang senador gayung ilang beses na siyang pinag-initan ng mga kalaban niya, katwiran niya, ang mga tao naman ang huhusga kung gusto pa siyang iboto o hindi na.
Ang gusto niya lang daw ay makapaglingkod at maisulong ang kanyang mga adbokasiya na makakatulong sa masa.
Dedma na lang din daw siya sa mga bashers na nagsasabi nang masasakit sa kanila ng BFF niyang si Sen. Bong Revilla, Jr. kaugnay ng muli nilang pagtakbong senador pagkatapos nilang makulong.
Ayon kay Sen. Jinggoy, sanay na siya sa mga batikos at mas malala pa nga raw nu’ng nakakulong sila ni Bong.
“Para na kaming demonyo,” pag-amin ni Sen. Jinggoy na naramdaman niyang tingin sa kanila ng mga tao nu’ng ipakulong sila ng P-Noy administration at tumanggap ng kaliwa’t kanang batikos bukod sa laging headline sa mga diyaryo, radyo at TV.
Pero sa kabila ng mga hirap na dinanas sa loob ng kulungan, never naman daw nawalan ng pag-asa at nanghina si Sen. Jinggoy dahil sa tiwala niya sa Diyos.
Aniya, lalo silang napalapit ni Sen. Bong kay Lord nang makulong sila at nagbiro pa nga siyang mas religious daw siya sa kanyang BFF.
At tulad ni Sen. Bong, napatawad na rin daw niya ang mga taong naging dahilan ng kanilang pagkakakulong. Handa rin daw siyang makasama, makasalubong at maka-eye-to-eye ang mga ito sakaling manalo uli siyang senador.
Tama naman ‘yun, dahil tulad sa showbiz, maliit lang din ang mundong ginagalawan ng mga pulitiko at sila-sila pa rin ang magkikita sa ending.





Comments