Grade 9 tiklo sa shabu

ARESTADO ang apat katao kabilang ang dalagitang Grade 9 student sa buy-bust operation kahapon ng madaling-araw sa Bgy. Santiago, Gen. Trias City, Cavite.
Kinilala ni Police Supt. Paul Bometivo, ang mga suspek na sina Jaime Geroca, 48, construction worker; Roberto Quicay, 23, maintenance; Kevin Cabugnason, 22, pawang mga residente ng Sitio Carapiohan, Bgy. Santiago at Jhona, Grade 9 ng Governor Ferrer Memorial National High School at residente ng Bgy. San Francisco.
Sa panayam kay Col. Bometivo, alas-2:00 ng madaling-araw nang ikasa ng Gen. Trias Police ang buy-bust operation laban sa mga suspek.
Kasama ang ilang PDEA-4A member, isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipagtransaksiyon sa mga suspek.
Habang nagaganap ang transaksiyon, dito na naglabasan ang kapulisan at dinakma ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang 9 piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi pa mabilang na shabu at mga drug money.





Comments