top of page
Pokwang.jpg

Duque, todo-sisi sa PAO para makalusot sa kapalpakan

RJ Nieto
Feb 8, 2019
4 min read

RJ NIETO / THINKING PINOY

ISANG taon nang sinisisi ni Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque ang mga nagre­reklamo tungkol sa Dengvaxia ang pagkalat ng tigdas sa bansa.

Sabi ni Duque, ang Dengvaxia Scandal ang nagdulot ng malawakang pagkatakot ng mga magu­lang sa lahat ng bakuna kaya napakarami raw ngayong hindi nakapagpabakuna at nagka-tigdas.

Pero wait lang! Kung sinaksakan ng DOH ng maling gamot ang anak mo, wala ka ba karapatang magalit? Wala ka bang karapatang mag-reklamo? Wala ka bang karapatang magduda sa DOH?

Ang malupit pa r’yan, kontra sa pahayag ni Duque ang mismong datos ahensiya niya.

Ayon sa DOH Vaccine-Preventable Diseases monthly surveillance report mula Marso hanggang Agos­to 2018, 85% ng nagkatigdas ay nagbigay ng iba’t ibang dahilan kung bakit hindi sila nabakunahan at wala sa mga dahilang ito ang takot sa bakuna.

Ayon rin sa report, ang Top 3 na dahilan ay “mother was busy” (30%), “not eligible for vaccination” (25%) at “child was sick” (10%).

Mother was busy? Kung magulang tayo, hindi ba’t siguradong hahanap tayo ng panahon para pabakunahan ang anak natin sa health center?

Talaga bang mother was busy o iilan lang ang nag-effort sa DOH na paalala­hanan nang maaga ang mga magulang ng petsa ng bakuna?

Duda tayo, naging Top 1 ang “mother was busy” dahil kulang-kulang ang information campaign ng DOH tungkol sa bakuna. Hindi ito dahil sa mga reklamo sa Dengvaxia.

Kung maaga pa lang, alam na ng mga magulang ang petsa ng bakuna, malamang na paglaanan nila ito ng oras dahil buhay ng anak nila ang nakasalalay rito.

Pero bakit ipinipilit pa rin ni Sec. Duque na malawakang takot sa pagbabakuna bunsod ng Dengvaxia scandal ang dahilan ng pagkalat ng tigdas?

May isa tayong naiisip na dahilan: Kasama kasi si Duque sa mga akusado sa Dengvaxia.

Matatandaang, noong July 2016, pumalit si Paulyn Ubial kay ex-DOH Sec. Garin. Pero, dahil gusto ni Ubial na itigil ang Dengvaxia Program, pinigilan ng kongreso ang appointment niya. Natanggal si Ubial sa DOH noong Oktuber 2017 at pumalit si Duque.

Alam ni Duque na may anomalya sa Dengvaxia, pero itinuloy pa rin niya ito kaya libu-libo pang bata ang naturukan sa ilalim niya. Napilitan na lang si Duque na itigil ang Dengvaxia nang pumutok ang Dengvaxia Scandal noong katapusan ng Nobyembre 2017.

Sumatutal, sabwat si Duque sa pulpol na DOH Dengvaxia Program kaya siya kabilang sa maraming mga kasong isinampa ng mga biktima.

Umuusad na ang mga Dengvaxia cases laban kay Duque at hula natin, eh, nanginginig na siya sa takot dahil puwede ‘tong mag-trigger ng mas marami pang kaso mula sa iba pang mga naturukan ng Dengvaxia sa ilalim ng kanyang panunungkulan sa DOH.

So, ano ang ginawa ni Duque? Isisi ang pagkalat ng tigdas sa Dengvaxia Scandal kahit ang mismong datos ng DOH, eh, nagsasabing hindi ang takot sa bakuna ang pangunahing dahilan.

Parang sinabi na lang rin ni Duque na, “busy masyado ‘yung mga nanay kaya kasalanan ito ng mga naghabla sa Dengvaxia”.

Duque, siraulo ka ba?

Pero, hindi lang pag-imbento ng “measles scare” ang modus-operandi ni Duque para pagtakpan ang Dengvaxia scandal.

Matatandaang, inutos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 na tulungan ng DOH ang pamilya ng mga namatay na batang naturukan ng Dengvaxia.

Imbes na tumulong na lang nang diretso, dinagdagan ni Duque ng kondisyones ang financial assistance para mahirapan ang mga magulang na kumuha ng hustisya para sa kanilang mga anak.

Sa bisa ng Department Order 2018-0147 ni Duque, kailangang magsumite ang mga magulang ng original na dengvaxia immunization card, medical abstract at death certificate bago makatanggap ng P50, 000 na financial assistance.

Hindi sinabi ng pangulo na kunin sa mga magulang ang dokumento ito, pero isiningit ito ni Duque.

Eh, ano naman ang problema r’un?

Kailangan ang tatlong dokumento para magsa­sampa ng kaso laban sa Sanofi at DOH.

Kahit ang kagustuhan ng pangulo na makabawas ng paghihirap ng mga Deng­vaxia victims ay sinabotahe rin ni Duque para sa kanyang sariling interes.

Heto ang isang sampol.

Nagsumite nooon si Mrs. Sherry Mae Samorin ng Cebu City ng mga nasabing dokumento sa DOH kapalit ng P50,000 assistance. Hindi lumaon, nagpasya si Samorin na magsampa ng demanda laban sa mga nagbakuna sa kanyang yumaong anak na si Zwitsal Samorin.

Tulad ng ibang mga nagdemanda laban sa DOH at Sanofi, hiningan ng Public Attorney’s Office (PAO) si Samorin ng ebidensiya tulad ng Dengvaxia Card, death cer­tificate, medical abstract atbp.

Pero, alam na natin sa puntong ito nasa DOH na ang mga dokumento, ‘di ba?

Sumulat ang PAO sa DOH Region 7 para hingin ang mga ito at sabi ni DOH Region 7 Director Jaime Berna­das noong Nobyemre 2017 na nasa DOH Central Office sa Maynila na ang mga ito.

Sumulat ang PAO noong Disyembre 2018 kay Sec. Duque at halos dalawang buwan na ang nakalilipas at wala pa ring tugon si Duque.

In short, nakatengga ang kaso dahil naka-hostage sa DOH ang mga pangunahing ebidensiya, dala nang Department Order na si Duque mismo ang may-akda.

Malinaw na sinabi ng pangulo na tulungan ang mga bata, pero kailanman, eh, hindi niya sinabing agawin ng DOH ang ebidensiya.

Idagdag mo pa ang pagkalat ng tigdas na isinisisi ng DOH sa mga nagrerek­lamo sa Dengvaxia kahit wala namang kinalaman ang Dengvaxia Crisis dito.

Garapalang kabulastugan na ang ginagawa ni DOH Sec. Duque sa loob ng nakaraang taon hindi lamang sa mga biktima ng Dengvaxia kundi pati rin sa buong sambayanan.

Pangulong Duterte, sibakin mo na ang siraulong ‘yan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page