top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 kelot todas sa riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Feb 8, 2019
1 min read

SULTAN KUDARAT—Dalawang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Tambak, Lambayong sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Andy Pagayukan at Kuwatro Apeg, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, uminom sa tindahan sina Pagayukan at Apeg nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang salarin na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang dalawang biktima.

Dinala pa ng mga saksi sa ospital sina Pagayukan at Apeg, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page