Wow, bongga! BAGONG MOVIE NINA ALESSANDRA AT EMPOY, SA PARIS ANG SHOOTING

Nitz Miralles / BIDA

NANIBAGO ang mga followers ni Alessandra de Rossi sa Instagram (IG) sa ipinost nitong photos na ang isa, kita ang likod niya at kumot lang ang nakatakip sa hubad na katawan. Ang isa pang picture, nakatagilid si Alex at may pasiip nang konti sa right boobs nito.
Ang daming nag-comment kabilang si Anne Curtis na ang sabi, “Ganda-ganda naman.”
Sina Rochelle Pangilinan at Julie Anne San Jose, napa-“Woooh!” At pati sina Amy Austria at Maritoni Fernandez, nag-comment din.
Speaking of Alex, muli silang magtatambal ni Empoy Marquez sa pelikulang Walang KaParis produced ng Spring Films to be directed by Sigrid Andrea Bernardo. Parang sa Paris ang location nito, bongga!





Comments