PASCUAL, LUMIDER SA PANALO NG ACES KONTRA COLUMBIAN


NAKABANGON agad sa pagkakadapa ang Alaska Aces matapos nilang pagulungin ang Columbian Dyip, 94-72 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Nagtala ng double-double si Jake Pascual na 13 points, 13 rebounds at dalawang assists upang tulungan ang Aces na ilista ang 1-1 karta habang bumakas si Carl Bryan Cruz ng 20 puntos at siyam na rebounds.
Lugmok sa unang laro ngayong conference ang Alaska, yumuko sila sa Rain or Shine, 72-85 noong Linggo sa parehong lugar.
Kumana si rookie CJ Perez ng 15 markers at limang rebounds para sa Dyip na nalasap ang pangatlong sunod na talo, may kinana si Jackson Corpuz na 12 pts. at anim na boards.
Tangan ng Columbian ang 2-4 record.
Idinaan ng Aces sa bilis sa unang dalawang quarters kaya nahawakan nila ang 10-point lead, 46-36 sa halftime.
Ginanahan ang Alaska sa third canto, nakapagtala ng 22-14 bentahe para umalagwa ang kanilang lamang, 68-50 papasok ng fourth.
Lalong ibinaon ng Aces ang Dyip sa payoff period, kung saan nakalamang sila ng 30 puntos, 89-59 mula sa lay up ni Cruz may 4:01 minuto na lang sa laban.
Sa ikalawang laro, nilasheng ng San Miguel Beermen ang Blackwater Elite 93-79. Best Player of the Game si JuneMar Fajardo sa 20 puntos.
Mga laro bukas: (Mall of Asia Arena) 4:30 p.m. Phoenix Fuel Masters vs. NLEX Road Warriors 7:00 p.m. - Rain or Shine Elasto Painters vs. Nort Port Batang Pier. (ATD)





Comments