Pamilya ng aktres, kasama raw sa bakasyon… KALAT NA: TOM, SA JAPAN MAGPO-PROPOSE NG KASAL KAY CARLA


SA araw daw ng mga Pu…so, (yes, Puso at hindi po pu… na iniisip n’yo, ha?), as in sa mismong Valentine’s Day, magpo-propose na raw siguro ng kasal si Tom Rodriguez kay Carla Abellana sa Land of the Rising Sun, as in sa Japan, ayon sa haka-haka ng ilang showbiz pipol in the know.
“Malamig ang panahon. Masarap,” ang naging pahayag daw ni Carla nang pumirma uli ito sa Kapuso Network kamakailan lang.
Kunsabagay, love month talaga ay super-lamig sa Japan ‘coz natutunaw na ang yelong nakapaligid sa nasabing bansa.
At kung malamig ang panahon, siyempre, ‘di maiiwasan ng magdyowa ang magyakapan at sulitin ang INIT SA KATAWAN SA BUONG MAGDAMAG!
Wow, ha, puwedeng title ng pelikula, sa true lang!
Pero bukod kay Tom, sabi ni Carla ay kasama nila ang kanyang family.
So? Ay, no malice meant po. Type lang ni yours truly na ikonek sa kasabihang: “Kapag gusto, may paraan, kapag ayaw, may dahilan,” tsuk pasok! Insert smiley!





Comments