top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagsabog non-stop, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2019
1 min read

TATLONG pagsabog ang naganap sa Lanao del Norte.

Anubayan?

◘◘◘

PUMORMA na ang “otso diretso”.

Hindi kaya magka-otso-otso?

◘◘◘

PINAKAKASUHAN si ex-P-Noy at dalawa pang gabinete nito sa Dengvaxia scam.

Para hindi makalaboso, kailangan nila ng mahusay na doktor!

◘◘◘

TAKOT na ang mga bata at nanay na magpabakuna.

Malaking krisis ‘yan!

◘◘◘

ISANG malaking isyu ang drug war sa kampanyahan.

Kung paano, ipaliliwanag ay siyang hahatol kung mananalo sa eleksiyon o hindi!

◘◘◘

BUWAN ngayon ng mga puso.

At buwan din ng mga “walang puso”!

◘◘◘

HINDI malinaw kung ano ang kauuwian ng Bangsamoro Organic Law.

Kasi sinalubong ito ng serye ng mga pambobomba!

◘◘◘

MATAPOS ang Mayo, higit na matindi ang magiging girian sa 2022 Presidential Elections.

Ang resulta ng 2019 Midterm Elections ang panukat sa 2022!

◘◘◘

MARAMI ang pumupuri sa paglilinis sa Manila Bay.

Sana linisin din ang lahat ng ilog sa Metro Manila na patungo sa Manila Bay!

◘◘◘

NAPAKARUMI ng mga ilog at estero.

Kapag nalinis ‘yan, malaking achievements ito ng Duterte administration!

◘◘◘

PERO, dapat hindi kalimutan ang pagpanot sa bundok at illegal mining sa kabundukan.

Higit pa rin mahalaga ay maipreserba ang kabundukan mula sa illegal loggers at illegal miners!

◘◘◘

MAHALAGANG ipalinis din ng DENR ang mababaho at kontaminadong “basement ng mga condo at dambuhalang gusali sa Metro Manila.

Ubod nang baho ang basement ng mga condo!

◘◘◘

DAPAT siyasatin ng DENR kung saan nagtatapon ng “waste materials” ang mga condo at dambuhalang gusali.

Halimbawa, ang dambuhalang mall sa reclamation area, saan ito nagtatapon ng waste materials?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page