MGA NOYPI, SUMEGUNDA SA 2019 DCC MASTER OF THE TABLE
- Eddie M.Paez, Jr.
- Feb 7, 2019
- 1 min read

HINDI nasikwat ng isang bilyaristang Pinoy ang 2019 Derby City (DCC) Master of the Table na karangalan pero sa paligsahang tumagal ng mahigit na isang linggo, ramdam na ramdam ang tikas ng mga manlalaro ng bansa nang mahablot nila ang lima sa 12 upuan sa podium ng mga events sa Horseshoe Casino ng Elizabeth, Indiana.
Sa bakbakan para sa DCC Master of the Table, o ang karera sa overall championships, nakuha ni Skyler Woodward ng USA ang topspot pero pumangalawa si Francisco “Django” Bustamante habang 3rd si Dennis “Robocop” Orcullo. Isang 2-3-4 wind-up kung tutuusin ang naiposte ng mga Pinoy dahil si Zoren James “Dodong Diamond” ang nakapuwesto sa 4th place.
Bridesmaid si Aranas sa 9-Ball event kung saan isang 2-4-6 na pagtatapos ang nairehistro ng tropang Pinoy matapos mag-4th si Orcullo at 6th si Carlo “Black Tiger” Biado. Ang event na ito ay sinalihan ng 407 cue artists kabilang na sina world 9-ball king Joshua Filler ng Germany, Albanian Assassin Eklent Kaci, US Open 9-Ball champion Jayson Shaw ng Scotland, Taiwanese ace Jung Lin Chang at World Pool Billiards Association no. 6 Shane Van Boening ng US.





Comments