Kelot dedbol sa armado
Pabs Hernandez III
Feb 7, 2019
1 min read
ABRA—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Nangobongan, San Juan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Randy Bayubay, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, pauwi na umano si Bayubay nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima sa hindi pa malamang dahilan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments