top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kagawad natagpuang patay

Pabs Hernandez III
Feb 7, 2019
1 min read

ISABELA—Isang kagawad ang natagpuang patay, kamakalawa sa Bgy. San Ambrosio, Angadanan sa lalawigang ito.

Ang biktima ay kinilalang si Kagawad Danilo de Leon, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ni De Leon na may tama ng bala sa katawan.

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang madakip ang suspek at mabatid ang motibo sa krimen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page