top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hirit ng mga informal settler: “Kabuhayan siguraduhin, bago kami i-relocate!”

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2019
2 min read

MATATANDAANG, ilang beses ng nag­karoon ng relokasyon ang pamahalaan para sa mga informal settler kung saan masasabi nating ilan sa mga ito ay hindi naging mata­gumpay dahil marami pa rin ang pasaway at bumalik sa dati nilang tinitirhan.

Sa ngayon ay mayroong tinatayang 230,000 informal settlers sa buong Metro Manila at base sa census, sa kabuuang bilang ng mga informal settler, nasa 30,000 ang naninirahan sa waterline ng Manila Bay na target na mai-relocate bilang bahagi ng re­habilitasyon.

Gayunman, sinabi ng DENR na ang tsan­sa nilang bilang ng maire-relocate kada taon ay nasa 10,000, ibig sabihin, aabutin ng dalawang dekada para mai-relocate ang lahat ng infor­mal settlers. Tsk!

Kaya naman tiyak na malaking pangamba ang epekto nito sa mga residente, lalo na at halos lahat sa kanila ay du’n na lumaki at nag­karoon ng kani-kanilang mga pamilya.

‘Yun nga lang, karapatan ng pamahalaan na ilipat sila, lalo na at makahahadlang sila sa pagpapagandang muli ng Manila Bay.

Samantala, kung ire-relocate sila, mainam kung paplanuhin ito nang maayos ng gobyerno nang sa gayun ay hindi na maulit ang mga prob­lemang nangyari noon tulad ng marami sa mga inire-relocate ay bumabalik din naman, gayundin, imbes na tirhan ay pinauupahan.

Dapat ding isaalang-alang ang kabuhayan ng mga ililipat ng bahay dahil kadalasan sa kanila ay ito ang nagiging dahilan kung bakit sila pilit na bumabalik sa dating nilang ba­hay.

Samantala, sa totoo lang, hindi naman obligasyon ng gobyerno na buhayin ang lahat ng mamamayan sa bansa, pero kung may pagkakataon silang tumulong, eh, matuto tayong magkaroon ng koordinasyon.

‘Ika nga, kung may respeto at disiplina ang bawat isa, wala sigurong magiging prob­lema.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page