top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Habang nagsasagawa ng touch-and-go exercises | TRAINING PLANE, NAWAWALA

June Simon
Feb 7, 2019
1 min read

ISANG two-seater Cessna C-152 training aircraft ang nawawala noong pang Lunes ng umaga habang nagsasagawa ng touch-and-go exercises sa Plaridel at Subic airports, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kahapon.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, ang Cessna plane na may registry number RP-C2724 at pag-aari ng Fliteline Aviation School ay lumipad sa Plaridel airport alas-7:20 ng umaga at lumapag ito sa Subic alas-7:51 ng umaga subalit, nawala ito habang pabalik ng Plaridel airport.

Nabatid kay Apolonio na nagnegatibo ang search operation ng Philippine Air Force at Philippine Coast Guard sa karagatan ng Zambales, kaya naisip nilang maaaring sa bundok bumagsak ang eroplano.

Dagdag pa nito na naka-focus ngayon sa kabundukan ng Sta. Rita sa pagitan ng Pampanga at Zambales ang rescuers dahil wala namang shoreline sa Plaridel, Bulacan.

Hindi pinangalanan ng CAAP ang mga crew bilang pagsunod sa protocol na umaasa pa rin sila na makikita at buhay ang mga ito.

Ang touch-and-go landing ay isang paraan ng maneuver para sa isang student pilot habang nag-aaral para sa pagpapalipad ng fixed wing aircraft.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page