top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Habang escort ng isang pulitiko | 2 PULIS, ARESTADO SA CHECKPOINT

  • Jeff Tumbado
  • Feb 7, 2019
  • 1 min read

HULI ang dalawang pulis dahil sa pagdadala ng baril na walang pahintulot mula sa Commission on Elections (Comelec) sa kalagitnaan ng nationwide gun ban sa Iligan City Martes ng hapon.

Mabilis na dinisarmahan at pinosasan ng kapwa nito pulis sina PO1 Johaimen Tomondong Mohamad at PO1 Rasid Arumpac Lambay, nakatalaga sa Pantar Municipal Police Station ng Lanao del Norte Provincial Police Office (LDNPPO).

Nabatid kay Supt. Surki Serenas, dahil sa pinaigting na seguridad at checkpoint bunsod na rin ng ginaganap na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Mindanao ang dahilan ng pagkakadakip sa dalawang pulis.

Sa inilatag na Comelec/police checkpoint sa bahagi ng C3 Road, Bgy. Tomas Cabili sa Iligan City, alas-5:00 ng hapon nang parahin ng mga tauhan ng Police Station 2 ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) kung saan lulan ang isang pulitiko sa lugar.

Gayunman, nang masusing sinuri ang mga sakay sa sasakyan ay naispatan ng mga pulis na may dalang mga baril sina Mohamad at Lambay kaya agad silang pinababa sa sasakyan.

Dito na napag-alaman na kapwa nila pulis ang kasama ng pulitiko at sila’y nagsisilbing escort nito.

Wala naman umanong naipakitang anumang dokumento, partikular ang Comelec certificate for gun ban exemption at Comelec clearance to provide VIP security to a politician kaya inaresto ang dalawang pulis.

Kabilang sa mga nakumpiska mula sa posesyon ng dalawang pulis ay ang isang M16 rifle, isang glock 17 9mm pistol, isang .45 pistol at MP5 automatic assault rifle.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page