top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 utas sa anti-drug operation

Maeng Santos
Feb 7, 2019
1 min read

TATLONG hinihinalang notoryus na mga kriminal ang namatay matapos mauwi sa barilan ang isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Romeo Carlos, Jr. alyas Eman Taba, 36, ng Bgy. 12, umano’y leader ng Eman carnapping, gunrunning at illegal drug group.

Ayon kay NPD Director Chief Supt. Rolando Anduyan, alas-8:00 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng NPD-DSOU, Northern CIDG at Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 ang buy-bust operation of unlicensed firearm kontra kay Carlos sa harap ng kanyang bahay subalit, nakatunog ito na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya naglabas ito ng baril at nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba.

Isang cal. 38 revolver, P19,000 buy-bust money at 14 plastic sachets ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa nasawi.

Alas-11:10 naman ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Caloocan Police SDEU sa pangunguna ni Chief Insp. Rengie Deimos ang buy-bust operation kontra sa sinasabing bigtime drug pusher na si alyas Mike sa 3rd Avenue, Bgy. 43 na nagresulta rin sa pagkamatay nito matapos makipagbarilan sa mga operatiba.

Nakuha sa nasawing suspek ang limang plastic sachets ng shabu, isang cal. 38 revolver at P170,000 buy-bust money.

Bulagta rin ang drug pusher na kabilang sa drug watchlist na si alyas Anthony nang makipagbarilan din sa mga operatiba ng SDEU na nagkasa ng buy-bust operation kontra sa kanya sa Sabalo, Lapu-Lapu Ext. Bgy. 12, ala-1:30 ng madaling-araw.

Nakumpiska sa nasawing suspek ang 13 transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu, isang cal. 38 revolver at P200 buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page