‘Ika nga, hindi ka ampalaya, mamsh!... TIPS PARA HINDI MAGING BITTER NGAYONG VALENTINE‘S DAY!
- BULGAR

- Feb 7, 2019
- 2 min read

“WALANG forever!” Ooops, bitter!
Truly na Valentine’s Day ang pinakamaisyung okasyon at sa totoo lang, big deal talaga ito sa iba. Well, hindi naman natin sila masisisi kasi kani-kanyang trip ‘yan.
For sure, mayroong feeling excited in love kasi may dyowa, pero mayroon din namang mga dedma, ‘yung tipong, “bahala kayo riyan, may work ako” at siyempre, mayroon ding bitter.
Pero, dapat ganu’n, chill lang! Kaya, narito ang ilang bagay na hindi natin dapat gawin this Valentine’s Day para hindi tayo maisyung bitter:
1. SCOWL AT EVERY HAPPY COUPLE YOU SEE. Panigurado, sa Valentine’s Day kaliwa’t kanan ang mga couple na maglilipana kung saan-saan. Pigilan natin ang ating sarili na mag-isip o magsabi sa kanila na “magbe-break din kayo!”, bad ‘yan, beshy! Hindi nila kasalanan na wala tayong ka-date. Hayaan natin sila, buhay nila ‘yun at labas tayo ru’n. Dedma lang, ganern!
2. BUY FLOWERS AND PRETEND IT’S FROM A SECRET ADMIRER. Siyempre, nakalulungkot ng slight kapag wala tayong natanggap na gifts sa Valentine’s Day, pero nakaloloka naman kapag bibili tayo ng flower tapos magpapa-deliver tayo para kunwari ay mayroon din tayo. Big no! Ang pathetic ng ganu’n, imbes na gawin natin ‘yan, magpa-deliver na lang tayo ng food, ‘yun medyo mas makatarungan pa. He-he-he!
3. CROSS OFF FEBRUARY 14 FROM THE CALENDAR. Anong susunod sa February 13? 15? Bitter alert! Huwag tayong masyadong harsh sa February 14, imbes na magpakanega dahil Valentine’s Day, ituring na lang natin ang araw na ito bilang simpleng araw. Huwag OA, basic!
4. DRESS IN BLACK FROM HEAD TO TOE. Nag-Valentine’s Day lang, all out black talaga ang outfit? Well, wala namang masama, make sure lang na trip talaga natin ang black outfit at hindi lang natin ito susuotin sa Araw ng mga Puso, obvious na bitter, besh!
5. GO THIRD WHEEL. Huwag tayong makiepal sa mga kaibigan nating may date, ‘yung tipong idadahilan pa natin na strict ‘yung parents ng BFF nila kaya dapat may chaperone. Hayaan natin silang mag-enjoy at kung wala tayong magawa dahil wala tayong dyowa, eh, matulog na lang tayo, at least, pagkagising natin, back to normal na. Charot!
6. BE A MISER. “V-Day suck!” Hay naku, kung naiinis tayo na hindi tayo pinayagan ng universe na magkaroon ng ka-date, eh, ganu’n talaga, pero very wrong kung idadamay natin ang lahat. Hindi natin kailangang ma-badtrip, easy lang tayo at isipin na lang natin na matatapos din ito! Ha-ha-ha!
Lahat ay may kani-kanyang season, kumbaga, kung single ka, eh, hindi mo season ang Valentine’s Day. Kahit ganu’n, hindi tayo dapat maging ampalaya kasi marami namang paraan para maging feeling in love pa rin, eh.
Lawakan natin ang isipan natin sa mga bagay-bagay. Marami tayong puwedeng gawin para mas maging makabuluhan ang buhay natin kaysa magpaka-bitter sa iba, gets?





Comments