Pag-ibig ni: DTMT


Pag-ibig na pangmatagalan,
pag-ibig na walang hanggan.
Umaasa na darating ang araw na ang pag-ibig mo ay sa akin mo iaalay.
Hanggang kailan ako – maghihintay sa iyong muling pagbabalik?
Naguguluhan ang aking isip at kumakabog ang aking dibdib.
Hindi mapakali, hinihintay ang iyong pagdating.
Nasaan ka na ba?
Papunta na ba talaga o nag-iisip ka pa?
Halika na, aking sinta.
Yayayaing humiga habang nakatingin sa mga butuin,
ako’y magdarasal na ika’y mapasaakin.
Oh, huwag ka ng umalis dahil hindi ko kakayaning
hindi ka makita kahit isang saglit.
Pangako ko sa iyo na kapag ako ang inibig mo,
hinding-hindi ka iiyak at masasaktan.
Ibibigay ang lahat, mamahalin nang lubusan
dahil ang aking pag-ibig ay wagas at totoo.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments