P-Duterte, halos sambahin ng mga mambabatas dahil sa bilyun-bilyong pork barrel, tsk-tsk-tsk!

BILYUN-BILYONG PERA NG BAYAN, PINAGPARTE-PARTEHAN NG MGA PRO-DUTERTE LAWMAKER—Ibinulgar ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. na noong 2017, P370 bilyon ang pork barrel para sa mga senador at kongresista ang inaprubahan ni Budget Sec. Benjamin Diokno at noong 2018, mas malaki sa P370 bilyon “pork” para sa mga mambabatas ang inaprubahan din ng budget secretary ni P-Duterte.
Kaya naman pala halos sambahin ng pro-Duterte senators at congressmen si P-Duterte dahil kada taon ay bilyun-bilyong pisong pera ng bayan ang pinagpaparte-partehan nila, mga buwisit!
◘◘◘
GALUNGGONG NA GALING SA CHINA, KUMPIRMADONG MAY FORMALIN — Nasabat ng NBI ang may 2,000 kilong galunggong na galing sa China na may formalin sa isang bodega sa Navotas City.
Kung matagal nang ginagawa ng China ‘yan, ibig sabihin, nakakain na ng galunggong na may formalin ang karamihan sa mga Pinoy.
Napakasalbahe naman nila kasi pinagbawalan nila ang mga Pinoy na mangisda sa West Philippine Sea (WPS) para Chinese lang ang makapangingisda sa karagatang ito na nasa teritoryo ng Pilipinas, tapos ang gagawin nila sa mga nahuli nilang galunggong, eh, lalagyan ng formalin at saka ibebenta sa mga Pinoy, susmaryosep!
◘◘◘
KUNG MARALITA LANG SI KENNETH DONG, MALAMANG NA-EJK NA ITO —Inaresto ng NBI si Chinese Businessman Kenneth Dong, kaugnay sa pagiging middleman nito sa P6.4 bilyong shabu shipment na naipuslit sa Adwana noong si BuCor Director Nicanor Faeldon pa ang head ng Bureau of Customs.
Suwerte ni Kenneth Dong, Chinese businessman siya dahil kung nagkataong maralita siya, malamang napabilang na siya sa libu-libong mahihirap na adik at pusher na na-EJK, period!
◘◘◘
‘DENNIS’, BOSS NG MGA NANGONGOTONG SA MGA VENDOR SA MAYNILA — Isang “Dennis” daw ang pinaka-boss ng mga “tongpats” collector na nangongotong sa mga vendor sa Maynila.
Kailan kaya ito ito-”tokhang” ng tropa ni PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) Director Sr. Supt. Romeo Caramat? Abangan!





Comments