Mommy kulong | ANAK NA 13 AT 3, PAMANGKING 1 YR. OLD GINAGAMIT SA CYBERSEX
- Jeff Tumbado
- Feb 6, 2019
- 1 min read

KASO sa paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Law at Human Trafficking ang kinahaharap na reklamo ng 32-anyos na ginang dahil sa paggamit nito sa kanyang dalawang menor-de-edad na anak na babae at sa isang taong gulang na pamangkin sa online prostitution sa Cebu.
Nakakulong sa WCPC-Cebu Provincial Police Office sa Bgy. Lahug ang suspek na ginang habang nasa City Social Welfare and Development naman ang mga biktima.
Nabatid sa report kay Senior Supt. Romeo Perigo, na ang mga biktima na nasa edad 13, 3 at 1 ay ibinebenta sa parukyano nitong mga pedopilya mula sa Estados Unidos at Australia sa pamamagitan ng internet.
Ang matagumpay na operasyon at pagsagip sa mga biktima sa online prostitution ay bunsod na rin ng impormasyong inilapit sa pulisya ng isa sa mga kaibigan ng suspek.





Comments