Mga pekeng PNP rubber shoes, nakumpiska

NASABAT ng pamunuan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang nasa mahigit isandaang pares ng huwad na PNP rubber shoes sa inilatag na entrapment operation sa Quezon City.
Nagkakahalaga umano ang mga nakumpiskang counterfeit shoes ng P170,000 at ibinebenta umano sa hindi miyembro ng pulisya.
Kasabay ng operasyon ang pagkakaaresto sa tatlong suspek na sina Mark Corporal, 33; Lorenzo Celestial, 35, at Rail Ramirez, 25.
Ayon kay CIDG Director Chief Supt. Amador Corpus, ang mga orihinal na pares ng sapatos ay eksklusibo lamang sa mga miyembro ng PNP.
Nauna rito, nakatanggap ng reklamo ang pulisya matapos humingi ng saklolo ang JP Group of Companies, Incorporated na isa sa mga opisyal na manufacturer ng PNP rubber shoes.
Ayon sa kumpanya, ibinebenta ang mga sapatos sa ilang shoe outlets.
Dahil dito, naaresto ang tatlong suspek na nag-deliver ng mga counterfeit shoes sa isang undercover police officer.





Comments