top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Make sure na nakapagde-date pa rin kayo ni hubby, besh! MGA PARAAN PARA IPAGDIWANG ANG VALENTINE‘S D

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 6, 2019
  • 2 min read

SHOUTOUT sa parents d’yan na dehins alam kung paano ise-celebrate ang Valentine’s Day da­hil kailangan nilang magbantay ng mga anak. Hu-hu-hu! No need to worry dahil knows ba ninyo na keri na ninyong mag-celebrate sa Araw ng mga Puso nang hindi ini­iwanan sina bagets? Kung gus­to ninyong malaman, narito ang ilang paraan para ipagdiwang ang Va­lentine’s Day:

1. HAVE AN EARLY DINNER. Kung mas bet ninyo ang “house date” nang kayo lang muna, make sure na maagang makapag-hahapunan sina bagets upang makapaghanda kayo nang mabuti sa plano ninyong date night. Sa ganitong paraan, maaga ring maka­tutulog sina bagets at sigurado na mas easy na ninyong magagawa ang inyong mga plano dahil chill na si baby. Okie?

2. ORDER YOUR FAVORITE TAKE­OUT. Anu-ano ang mga trip ninyong kainin sa tuwing lumalabas kayo? For sure, mada­las n‘yo nang hindi makain ang mga ‘yun dahil mas focused na kayo kina bagets. Kaya mga bro at sis, isama n’yo na ito sa mga plano ninyo ngayong Valentine’s Day. Magandang isabay ang pagkain nito habang nanonood kayo ng movie. Oh, ‘di ba, kahit mga magu­lang na kayo, keri n‘yo pa ring makapag-mo­vie marathon and chill? He-he-he!

3. COOK A MEAL. Kung may gusto kayong ilutong pagkain, perfect timing ito para gawin ‘yun! Pass muna kayo sa ma­mahaling dinner sa mga restoran dahil kung keri n’yo namang gawin sa bahay, why not, ‘di ba? Magandang option din ito dahil si­guradong makatitipid kayo, gayundin, mas maraming serving ang magagawa ninyo. Make sure lang na ang matitipid ninyo ay mapupunta sa expenses ni baby, ha? Tipid-tipid din ‘pag may time. Ha-ha-ha!

4. TREAT THE WHOLE FAMILY. Hindi kailangang maging bongga, lodi! ‘Ika nga nila, ang Araw ng mga Puso ay para sa lahat ng uri ng pag-ibig, kaya bakit hindi natin isama sina bagets? Magandang paraan ito para habang bata pa sila, eh, matutunan nila na hindi kaila­ngang maging bongga ng se­lebrasyon, basta kasama nila ang mga mahal nila sa buhay. Naks!

5. GO OUT WITH THE WHOLE FAMILY. Kung medyo malaki na sina bagets at keri na silang ipasyal, go na! Marami nang paraan para ipagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang buong pamilya tulad ng pag­bisita sa museum, amusement park at pano­nood ng pelikula sa mga sinehan. Basta make sure na hindi sila mawawala sa paningin ninyo, ha?

6. START THE DAY WITH A FA­MILY BREAKFAST. Para naman sa mga mamshie na may babies na hindi pa kering ilabas nang matagal, puwedeng-puwede sa inyo ito! Pero, kung hindi n‘yo trip na luma­bas, eh, puwede rin namang sa bahay na lang kayo. Sino ba ang tatanggi sa pan­cakes at hot chocolate, ‘di ba?

Tiyak na ibang-iba ang mga ito sa na­kasanayan ninyo noong mga nakaraang taon. Pero, oks lang ‘yan dahil wala namang ma­sama kung susubok tayo ng mga bagong bagay, ‘di ba?

Palagi nating tatandaan na hin­di kaila­ngang paglaanan ng malaking halaga ang bawat okasyon dahil ang importante ay isinasapuso at pinahahalagahan natin ito da­hil kasama natin ang mga mahal natin sa buhay.

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page