Kagawad timbog sa boga
Pabs Hernandez III
Feb 6, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang kagawad ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. San Eugenio, Natividad, sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Kagawad Geronimo Olipaz, residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, isang kalibre .22 revolber at mga bala ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Olipaz na nahaharap sa kasong paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments