Bigtime tulak tiklo sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Feb 6, 2019
1 min read
CEBU—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Lawaan, Talisay City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jundel Restauro, residente ng Bgy. Pook sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 11 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Restauro na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments