STORM CHASER, LA FLUTE DE PAN, SULTRY GUILIA PANOLO SA WTA

MAGANDA ang line–up ng 7 races na inihahandog ngayong gabi ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Kasabay nito, bibitiwan ang Condition Race 15 hanggang 22 na paglalabanan ng mga kasapi mula sa iba’t ibang grupo. Unang matutunghayan ng ‘bayang karerista’ sa pag-alagwa nang Race 1, kasabay ng Winner-Take-All (WTA) na paglalabanan ng anim na kalahok mula sa CD-15 at pinapaboran ang Sweet Dreams at Cole Is Bright.
Pitong kalahok sa CR-17 ang maglalaban sa pagsisimula ng Pick 6 event, na paglalabanan ng mahigpit nina Gee’s Star na entry ni Ed Gonzalez at Constitution na entry Sandy Javier Jr. sa Race 2. Mahirap bunuin sa CR-22 ang couple entry na Pure Imagination at May Swerte ako, habang ang Summer Star at Maker’s Mark ang makakalaban sa panimula sa Pick 5 sa Race 3.
Sa Race 4 kung saan magsisimula ang Pick 4, para sa CR 18 na pinapaboran ang Universe at makakalaban ang entry na Sultry Guilia at Go Marty Go. Magaan ang laban ng La Flute De Pan sa 10 kalahok na maglalaban sa Race 5 at nakikita ang magandang forecast ng Exhilarated at Ava Natalia.
Ipinapatok sa Race 6, ang kabayong Storm Chaser at puwedeng makasilat ang kalahok na Bean ni Javier. Makababawi mula sa pagkakatalo ang Smart Tyler at makakalaban ang Believable sa Race 7 at puwedeng isama sa mga paratingan sa WTA,Pick 6, pick 5 at pick 4 ang Board walk, Expensive at Warrior Heart.
Tip Ni Mang Ding Race 1- Sweet Dreams (5) Cole Is Bright(3) All For Mama(2) Race 2- Constitution (5) Gee’s Star (2) Race 3- Entry No.1 Maker’s Mark (9) Summer Star(2) Race 4- Universe (4) Sultry Giulia (5) Go Marty Go (1) Race 5- La Flute de Pan (10) Exhilarated(8) Race 6- Storm Chaser(4) Bean (9) Race 7- Smart Tyler (2) Expensive (6) Board Walk(3).





Comments