Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa bawat library sa mga paaralan
- BULGAR

- Feb 5, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang batas na nagsasabing dapat mayroong kopya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang mga silid-aklatan ng mga paaralan? — Crissa
Dear Crissa, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 2 ng Republic Act (R.A.) No. 1425 kung saan nakasaad na:
“SECTION 2. It shall be obligatory on all schools, colleges and universities to keep in their libraries an adequate number of copies of the original and unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo, as well as of Rizal’s other works and biography. Xxx.
The Board of National Education shall determine the adequacy of the number of books, depending upon the enrollment of the school, college or university.” (Binigyang-diin)
Samakawid, ayon sa nasabing batas, dapat mayroong adequate o sapat na bilang ng mga kopya ng Noli Me Tangere o El Filibusterismo sa silid-aklatan ng lahat ng paaralan. Kaugnay nito, ayon din sa parehong batas, ang Board of National Education ang siyang magpapasya kung ilan ang sapat na bilang ng mga librong ito, depende sa rami ng enrollment ng mga estudyante ng mga paaralan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments