top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nakatanggap ng text na may kabit ang misis, binaril | MISTER NAGBARIL SA ULO

Jeff Tumbado
Feb 5, 2019
1 min read

DAHIL lamang sa may nag-text message na may lalaki umano ang misis, binaril ito ng kanyang mister bago nagbaril din sa sarili sa Tuburan, Cebu gabi ng Sabado.

Kapwa nakaligtas sa insidente ang mag-asawa na unang ginamot sa Cebu City Hospital subalit, dahil sa kritikal na kondisyon ng mister ay inilipat ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) dahil sa tama ng bala sa ulo.

Ayon kay Tuburan Municipal Police Station Commander Senior Insp. Landy Divina Gracia, nananatiling nagpapagaling ang misis dahil sa tama ng bala sa kanang braso.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakatanggap umano ng mensahe sa text sa cellphone ang mister mula sa hindi kilalang sender habang ito ay nagpapahinga sa kanilang bahay na umano’y may ibang karelasyon ang kanyang misis. Kinompronta ng mister ang kanyang asawa na noon ay naglalaba.

Gayunman, hindi umano sinagot ng misis ang tanong kaya galit na umalis ang mister at pagbalik nito ay may dala na itong baril at ipinutok sa biktima.

Sa hinalang napatay nito ang misis, nagbaril naman sa kanyang ulo ang mister.

Patuloy na ang imbestigasyon sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page