Movie ni 'Bato' sumemplang sa takilya, kandidatura tagilid?
- BULGAR

- Feb 5, 2019
- 1 min read
TAGILID ANG KANDIDATURA NI GEN. ‘BATO’ KASI SEMPLANG SA TAKILYA ANG PELIKULA NIYA—Sumemplang sa takilya ang pelikula ni Action Star Robin Padilla na gumanap bilang bida sa talambuhay ni ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Dahil semplang ang pelikula nito, malamang, kakaba-kaba na ngayon si Gen. “Bato” kasi malamang, tagilid din ang kanyang kandidatura sa pagka-senador, boom!
◘◘◘
SINO ANG PINAGDUDUDAHAN NI MAYOR TAN NA NASA LIKOD NG JOLO CATHEDRAL BOMBINGS? —Nangangamba si Mayor Kherkar Tan ng Jolo, Sulu na magkaroon ng cover-up sa imbestigasyon ng gobyerno sa pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo na kumitil sa buhay ng mahigit 20 katao at ikinasugat ng iba pa, kaya ang hiling niya sa international human rights group, magsagawa ito ng independent investigation sa insidenteng ito.
Malalim ang binitiwang salitang ito ni Mayor Tan kasi kung pakasusuriin ang kanyang statement, tila may tao na siyang pinagdududahan na nasa likod ng pambobomba sa Jolo Cathedral, period!
◘◘◘
‘LOTTENG’ NI ‘IRENE’, NAMAMAYAGPAG SA BULACAN—Namamayagpag daw ang lotteng operations ni “Irene” sa Bocaue, Obando at Marilao, pawang sa Bulacan.
Kung ganu’n, hindi lang pala jueteng, sakla, color games at drop balls ang namamayagpag sa jurisdiction ni Bulacan PNP Director Chito Bersaluna kundi pati lotteng, buwisit!





Comments