top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mabenta na kasi uli… PIOLO, WALA NANG BALAK MAGBABU SA SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2019
2 min read

DIRETSO nang sinabi ni Piolo Pascual na wala siyang ikakampanyang pulitiko ngayong eleksiyon.

“Ayoko talagang mangampanya, eh. Ang daming pumapasok na campaign for mga shows, wala kaming tinanggap kahit isa,” aniya nang makausap namin recently.

Dagdag pa niya, “I’m not into politics. I don’t believe may magagawa ako for now, you know. I’m just gonna use my platform as a celebrity pero to support a politician, ‘di ko naman sila kilala.”

Kaya gusto raw nilang ipaalam sa lahat ng nagtatanong or gustong kumuhang pulitiko sa kanya, wala silang tatang­gapin.

Nilinaw din ni Piolo na talagang wala na muna siyang balak magretiro sa showbiz ngayon dahil sa dami rin ng tinanggap niyang projects.

“I don’t think I’m retiring. There’s no point of retiring, if there are some things you still can do. Sayang ang mga opor­tunidad na dumarating sa daan natin, so I’m just, you know, parang living a day at a time. Mas gusto ko kasi talagang gumagawa ng pelikula.”

Nagbigay din ng update si Piolo sa Marawi film na aniya ay magsisimula nang mag-shoot. Matatandaang nag­karoon kasi ng problema ang pelikula dahil sa pagri-resign ng direktor na si Sheron Dayoc last September, 2018.

Kumuha na raw sila ng Maranao to write and direct the film para maging malinaw talaga ang mga detalye at ku­wento. Pero dalawa na sila ni Direk Joyce Bernal na magdidirek.

Napakakumplikado at napaka-ambitious daw ng project kaya naman sinisi­gurado nila ang kanilang bawat galaw.

“Mahirap kasi, mahalaga siyang usapin kaya dapat, pinaghahandaan. At saka ‘yung pelikula, hindi mag-create ng conflict, eh. ‘Yun ‘yung aayusin,” pahayag naman ni Direk Joyce.

Pero this year daw nila tatapusin ang pelikula para maipalabas din agad.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page