Kahit gaano pa ito kasarap, mga besh... PAGKAIN NG FRIED CHICKEN, SANHI NG KANSER!
- BULGAR

- Feb 5, 2019
- 2 min read

HINDI natin maitatanggi na mula bata hanggang sa matanda, eh, hindi inaayawan ang fried chicken dahil ito ang isa sa mga nakasanayan nating ulamin o ipares sa spaghetti kapag may handaan. Yummers! Marahil, ang iba sa atin ay bihirang kumain ng pritong manok, for sure, mayroon ding halos inaraw-araw na ang pagkain nito. Pero, knows ba ninyo na ang madalas na pagkain ng pritong manok ay may kaugnayan sa maagang pagkamatay? Hala!
Ayon sa pag-aaral, ang madalas na pagkain ng fried chicken ay nakapagpapataas ng tsansa ng maagang pagkamatay ng kababaihan.
Isang pag-aaral ang isinagawa ng mga researcher na tumagal ng 18 taon kung saan sinuri ng mga ito ang data tungkol sa diet ng mahigit 100,000 kababaihan na nasa edad 50 hanggang 79.
Partikular na sinuri ng mga researcher kung gaano kadalas kumain ang mga ito ng mga pritong pagkain, partikular ang manok, isda, french fries, chips at tacos.
Sa loob ng 18 taon, habang isinasagawa ang pag-aaral, 31,588 kalahok ang namatay kung saan 8,358 sa mga ito ay dahil sa sakit sa puso.
Matapos suriin ang mga klase ng kanilang pamumuhay, uri ng diet, educational attainment at salary, nakita sa resulta na ang regular na pag-intake ng mga pritong pagkain ay may kaugnayan sa maagang pagkamatay.
Gayunman, partikular ito sa mga tao na kumakain nang mas marami sa isang serving sa loob ng isang araw kung saan mas mataas ng 8 porsiyento ang tsansa ng maagang pagkamatay.
Bagama’t, hindi pa natutuklasan ng mga researcher ang kaugnayan ng pagkahilig sa mga pritong pagkain sa pagkakaroon ng kanser, ang araw-araw na pagkain ng pritong manok ay mayroong 13 porsiyentong tsansa ng maagang pagkamatay habang 12 porsiyento ang tsansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso.
Ayon sa mga researcher, ang mga kalahok na madalas kumain ng mga pritong pagkain ay mahina rin umanong kumain ng gulay at prutas, mahilig sa matatamis na inumin, gayundin ang maaalat at processed na mga pagkain.
Samantala, ayon sa mga eksperto, ang madalas na pagkain ng fried foods ay maaaring maging sanhi ng mabilis na pagtaas ng timbang at iba pang problema sa kalusugan tulad ng mataas na cholesterol, high blood pressure at Type 2 diabetes.
Bagama’t, hindi nawawala ang panganib mula sa maagang kamatayan ng pagkahilig sa iba’t ibang uri ng mga pritong pagkain, inirerekomenda ng mga eksperto ang ibang paraan ng pagluluto ng mga pagkain — kabilang na rito ang pagbe-bake at pag-iihaw.
Mga lodi, hindi naman daw masamang kumain ng fried chicken kung paminsan-minsan lang, make sure lang na hindi natin ito aaraw-arawin.
Gayundin, subukan natin ang iba’t ibang paraan ng pagluluto ng pagkain nang sa gayun ay hindi tayo magsawa sa prito.
Magandang paraan din ito upang mabawasan ang mantika na mai-intake natin.
Gets mo?




Comments