Barker binaril sa ulo, todas
Levi Gonzales
Feb 5, 2019
1 min read

TODAS sa tama ng bala sa ulo ang isang barker makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Mahabang Parang, Batangas City.
Ayon sa report, alas-10:30 ng gabi, habang naglalakad sa lugar ang biktimang si Dante David, 40, tubong Romblon at naninirahan sa Bgy. Balagtas nang biglang sumulpot ang suspek at agad itong binaril nang malapitan.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pagpatay sa biktima.





Comments