Wanted na rapist nasakote
- Pabs Hernandez III
- Feb 4, 2019
- 1 min read
CAMARINES SUR—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Guijalo, Caramoan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Danilo Sarmiento, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Sarmiento sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong dalawang kaso ng panggagahasa.
Hindi naman nanlaban si Sarmiento nang dakpin siya ng pulisya sa naturang barangay.





Comments