top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Tricycle driver binaril sa tapat ng iskul, dedbol

Mylene Alfonso
Feb 4, 2019
1 min read

PATAY ang 51-anyos na tricycle driver makaraang barilin sa tapat ng isang paaralan ng dalawang lalaking maskarado na nakasakay sa motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Manila.

Dead-on-the-spot si Reynaldo Morales, residente ng naturang lugar sanhi ng tama ng bala sa kanang mata.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista, alas-4:05 ng hapon nang mangyari ang krimen sa harapan ng Villamor High School sa San Andres Bukid Extension.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa Pasig Line.

Aminado ang mga kaanak na dating gumagamit ng ipinagbabawal na droga ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pagpaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page