top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa kabila ng rehabilitasyon nito | Ilang Pinoy na namasyal sa bagong Manila Bay, nag-iwan ng basura!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2019
  • 2 min read

PATULOY ang paglilinis ng mga kinau­ukulan para mapaganda ang Manila Bay na matagal nang napabayaan, pero kitang-kita naman ng lahat ang pagbabago ng hitsura ng bay sa kasalukuyan.

Ito ay dahil din sa tulong ng ilang ahensiya at boluntaryong mamamayan, estudyante at iba pang tumulong para mabawasan ang mga basurang nagkalat na nagmula rin sa mama­mayan.

Kaya kung noon, eh, mala-bundok na basura ang ating makikita sa tuwing daraan tayo sa kahabaan ng Roxas Boulevard kung saan matatanaw ang Manila Bay, ngayon, eh, malinis, maaliwalas at may buhangin na rito.

Sa katunayan, noong Sabado ng umaga ay nagmistulang resort ang sitwasyon sa Manila Bay dahil sa dagsa ng tao na nagpiknik at sa kabila ng malamig na panahon, may iba pang nag-swimming kahit na ipinagbabawal ito da­hil marumi pa ang tubig.

Gayunman, sa kabila ng rehabilitasyong isinasagawa ay marami pa ring pasaway na bisita sa Manila Bay ang nagtatapon ng basura kung saan-saan, ‘yun lang!

Ayon kay Marissa Cristobal ng Depart­ment of Public Services (DPS) ng Maynila, may mga tao pa rin silang sinita dahil sa iniwang basura ng mga ito sa Baywalk.

Kaya ang panawagan natin sa lahat, kung pupunta tayo sa Manila Bay, siguraduhin na­tin na marunong tayong rumespeto at paira­lin natin ang disiplina!

Sa totoo lang, hindi na kailangan pang ituro ang tamang pagtatapon kaya lang da­hil may mga hindi pa rin makaintindi, kailangan pa rin yata itong ipaalala kada araw para tumatak sa ating isipan.

Samantala, hiling natin ang tagumpay ng rehabilitasyon sa Manila Bay at sana, huwag itong gamitin para sa mga hidden agenda na alam nating hindi ikatutuwa ng karamihan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page