top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

MABASA, OCSAN AT LABOG, PETMALU SA VEYRA III CUP

Eddie M. Paez, Jr
Feb 4, 2019
1 min read

NAGSANIB-PU­WER­SA ang mga untitled chessers na sina Marco Jay Mabasa, Me­lito Ocsan Jr. at Eric La­bog Jr. upang itulak ang 16th seed na koponang tinawag na Napadaan Lang sa kampeonato sa pagsasara ng Alfredo De Veyra III Cup Open Chess Tournament pag­katapos ng pitong rounds sa Alphaland Southgate Mall ng Ma­kati.

Napuwersang ipa­kita ang tibay ng dibdib sa board 1, hinarap ni Mabasa ang mga titled chessers at nakahugot ng draw kay Grandmaster Darwin Laylo (round 7) at mga panalo kontra kay Woman International Master Bernadette Galas (round 1) at kay National Master John Alcon Datu (round 6).

Bu­kod dito, nakipag­hatian din siya ng puntos kontra sa mga karibal na top boards players ka­gaya nina Roger Henry Lopez (round 2), Ronald Her­mida (round 4) at Aljie Cantonjos (round 5).

Sa kabuuan, nag-ambag si Mabasa ng apat na pun­tos para sa grupong ku­mamada ng limang pa­nalo at dala­wang tabla.

Walang man­tsang rekord (sa pamamagitan ng li­mang panalo at dala­wang draws) ang naging kontribusyon ni Labog sa board 3 sa­mantalang may kabu­uang 4.5 pun­tos ang naisumite ni Oc­san sa board 3 ng kom­petis­yong umakit ng 46 na koponan.

Puma­ngala­wa sa eksena ang grupo ng The Flash, 9th seed lang sa pre-tournament forecast at binubuo rin ng mga untitled wood­pu­shers, habang ang tropa ni FIDE Master Chris­toper Castellano (ang kinilala sa bansag na GM Dao-Ron) ang umang­kin ng huling upuan sa podium.

Pare­hong may li­mang pa­nalo, isang talo at isang tabla ang The Flash at ang GM Dao-Ron.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page