Kumalat na patay na, panawagan ni Digong | IPAGDASAL N‘YO ANG KALULUWA KO
- Mylene Alfonso
- Feb 4, 2019
- 2 min read

SA halip na ikagalit, hiniling pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na ipagdasal ang kanyang kaluluwa para sa mga naniniwala matapos kumalat sa social media na patay na siya.
Una nang kumalat sa Facebook page mula sa isang Ray Abad na nakasaad sa kanyang post na “Security is a must for VP Leni, ayon sa bulung-bulungan na nakalabas sa kampo ni Koko Patay na raw si Digong. Still unconfirmed”.
Sinabi ni Pangulong Duterte na tatanungin niya ang Diyos kung puwede na ito sa isang interbyu dahil pupunta na siya sa langit.
Ayon kay P-Duterte, dadalhin niya sa kanyang paglisan ang mensahe ng mga pari at Obispo at ang huling wish ng mga durugista ngunit, depende pa aniya kung sa langit o sa impiyerno siya mapupunta.
“My reaction to my passing away. I will ask God first if he’s available for interview kasi pupunta na ako ‘dun,” ani Duterte sa video post ng kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña sa Facebook page nito.
“Ano mga mensahe ninyo? Dadalhin ko, pari, Obispo, lahat. And ‘yung last wish ng mga durugista, ilista ninyo. Ako na ang magdala doon sa langit o sa impyerno. Depende lang,” sabi pa ng pangulo.
Sa hiwalay na video, umapela si P-Duterte sa publiko na ipagdasal ang kanyang kaluluwa para umano sa mga naniwala na patay na siya.
“For those who believe in the news that I passed away. Then I request of you, please pray for me, for the eternal repose of my soul,” dagdag pa ni Duterte.
Samantala, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na aminado siya na minsan ay hindi maganda ang pakiramdam ng pangulo sa lahat ng panahon ngunit, iginiit niya na okay ang presidente.





Comments