Kapaki-pakinabang na tulong para sa bayan, ayos!

NAGPAPASALAMAT tayo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang suporta sa atin bilang senador.
Inanunsiyong muli ng pangulo ang kanyang tiwala at suporta sa atin noong Enero 29 sa groundbreaking ceremony ng new site ng San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Barangay Panghulo, Malabon City kung saan dumalo kami pareho.
Sa harap ng maraming tao, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang suporta kaya sobrang nakatataba ng puso na naniniwala at sang-ayon siya sa ginagawa natin sa Senado para sa kapakanan ng sambayanan.
Kaya kumpiyansa tayo na pipirmahan ng pangulo para maging ganap na batas ang ating landmark legislations na Universal Health Care o kilalang-kilala ngayon na UHC at ang pagbubuo ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD.
Sa UHC, lahat ng Pilipino ay covered ng National Health Insurance Program kaya abot-kaya ng lahat ang pagpapagamot mula check-up at pati laboratory tests.
Sa DHSUD, pag-iisahin sa lilikhaing departamento (DHSUD) ang government key shelter agencies para isa lang ang kukumpas ng housing program at maayos at mabilis na mabibigyan ng pabahay ang mga beneficiary.
Marami tayong kapaki-pakinabang sa mamamayan ang isinulong at naging batas at isinusulong pa sa Senado.
Nand’yan ang free irrigation para sa mga magsasaka, free college education sa State Colleges and Universities, tulong sa mga may cancer at HIV/AID, proteksiyon sa karapatan ng kababaihan, kaligtasan ng mga bata, tulong sa mga lolo at lola at marami pang iba.
Ang taumbayan ang ating inspirasyon, lakas at para sa kanila ang ating pagsisikap at ipinaglalaban.
Kaya kay Pangulong Duterte at sa lahat ng Pilipino, maraming salamat!





Comments